Ipinag-utos na ni Interior Secretary Benhur Abalos ang mas madalas na pagsasagawa ng random drug test sa mga tanggapan ng DILG, maging sa mga Local Government Unit.
Kasabay ito ng pinalawak na Anti-Drug Campaign ng gobyerno sa mga ahensya at opisina.
Binalaan naman ni Secretary Abalos ang mga mag-po-positibo sa iligal na droga na masisibak sila sa serbisyo, matapos sumailalim sa evaluation.
Bagaman mayroon anyang mga polisiya para sa random drug testing sa government offices, mas lalo itong dapat ipatupad sa DILG
Alinsunod ito sa anti-illegal drugs advocacy ng kagawaran na buhay ingatan, droga’y ayawan program, na tumututok sa drug demand reduction at rehabilitation.