Pinalagan ng China ang pagbisita sa Pilipinas ni US Defense Secretary Lloyd Austin at mga aktibidad nito sa bansa.
Ayon sa Chinese Embassy, “pinaiinit ng pagbisita ni Austin sa Pilipinas ang regional tension at ginugulo ang regional peace sa asya”.
Inakasuhan din ng embahada ang Estados Unidos na patuloy nitong pinalalakas ang “puwersa militar na itinututok sa indo-pacific region para lamang sa sarili nitong interes”.
Dinungisan din umano ni Austin ang China sa issue ng maritime dispute sa South China sea upang isulong ang “Anti-China Political Agenda” nito sa pagbisita sa Pilipinas.
Ang nasabing hakbang ay taliwas umano sa paghahangad ng mga regional countries ng kapayapaan, pag-unlad at kooperasyon sa Tsina.