Pinawi ng Department of Health ang pangamba ng mga Davaoeño matapos maitala ang dalawang kaso ng monkey pox o Mpox sa Davao City.
Ayon sa DOH, ang dalawang kaso ng Mpox na naiulat sa davao ay Clade II variant, nangangahulugang, milder o hindi ito malalang variant ng nasabing sakit.
Nabatid na isa sa dalawang biktima ng Mpox sa davao ay namatay, ngunit nilinaw ng DOH na hindi ang naturang virus ang sanhi ng pagkamatay nito.
Tiniyak din ng Davao City Health Office sa publiko na patuloy nilang mino-monitor ang kaso ng Mpox sa kanilang lugar, lalo na ang mga “close contact” ng dalawang tinamaan ng nabanggit na sakit.—sa panulat ni John Riz Calata