INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na interesado ito sa waste-to-energy projects.
Sa kanyang talumpati sa harap ng mga malalaking negosyante sa Brunei na bahagi ng major players ng energy sector, ipinaabot ni PBBM ang intensyon na gumamit ang Pilipinas ng pinakabagong state-of-the-art technology para sa transition mula sa paggamit ng fossil fuels patungo sa renewables.
“There’s a great deal of interest in that (waste to energy). But right now, it is not at the very macro level. It’s very much at the micro level. Yeah, it’s basically local governments because there is the problem, the attendant problem of what do we do with our waste?” pahayag ni Pangulong Marcos.
Inamin naman ni Pangulong Marcos na kailangan ng akmang imprastraktura para mapakinabangan ang mga basura at gawing enerhiya kung kaya kailangan ang tulong mula sa local government units.
Maliban dito, kailangan din aniyang ayusin ang garbage collection.
“But I think the legislators are coming around to the understanding that there actually are viable and clean solutions to the problem of waste disposal. So you take care of two very difficult problems at the same time,” dagdag ng Pangulo.
Kasama rin sa mga nakapulong ni Pangulong Marcos ang mga negosyante mula sa Brunei Shell Petroleum
Company Sdn. Bhd (BSP), Brunei LNG Sdn. Bhd (BLNG), Total Energies in BruneI, Serikandi Oilfield Services Sdn Bhd, at Adinin Group of Companies.
Samantala, sumentro ang pag-usap sa oportunidad sa renewable energy sector. (Gilbert Perdez)