Nasa 15-M Pilipino ang nanganganib na magkaroon ng oral diseases gaya ng oral cancer dahil sa patuloy na paninigarilyo.
Ayon sa Health Advocate Group na Health Justice Philippines, batay sa 2021 Global Adult Tobacco survey, sa Pilipinas ay nasa 19.5% o 15.1 million ang tobacco users na edad 15 pataas kung saan 14.4 million sa kanila ang naninigarilyo ng mga produktong tabako.
Sinabi pa ng grupo, 3.9% lang ng mga kasalukuyang naninigarilyo ang huminto sa bisyo habang 63.7% ay nagpaplano pa rin.
Hinikayat naman ng grupo ang mga tobacco users na itigil na ang kanilang bisyo at i-improve ang kanilang oral hygiene upang mapanatili ang magandang ngipin, gums at dila at upang maiwasan ang pagkakaroon ng mabahong hininga.