Nasawi ang nasa 25 katao sa madugong terrorist attack ng mga militante sa isang paaralan sa Western Uganda.
Batay sa inisyal na ulat ng Ugandan Authorities, ang mga miyembro ng Ugandan group na Allied Democratic Forces ang umatake sa Lhubirira secondary school sa Mpondwe kung saan sinunog at ninakaw pa ang mga pagkain sa naturang dormitoryo.
Narekober ang dalawamput limang labi mula sa paaralan at nailigtas naman ang walo pang biktima na nananatiling nasa kritikal na kondisyon.