Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang higit sa ₱5-T na budget para sa taong 2024.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni PBBM na mapupunta sa iba’t ibang proyekto at programa ng gobyerno ang pambansang pondo, at tiniyak na lahat ng mga nakapaloob dito ay pakikinabangan ng mga Pilipino.
Ang higit sa ₱5.7-T 2024 national budget ay katumbas ng 21.7% ng gross domestic product ng bansa at mas mataas ng 9.5% kumpara sa ₱5.26-T 2023 budget.
Sinaksihan naman nina Senate President Juan Miguel Zubiri, House Speaker Martin Romualdez, Budget Sec. Amenah Pangandaman, gayundin ng iba pang mga mambabatas at ilang miyembro ng gabinete ang ceremonial signing. - mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)