Dapat na maitaas ang sahod at maiayos ang working condition ng mga nurse sa Pilipinas.
Ito ang binigyang diin ni Maristela Abenojar, Pangulo ng Filipino Nurses United, upang matugunan ang kakulangan ng mga nurse sa bansa.
Sa katunayan aniya ay nasa 570 pesos ang arawang sahod ng mga nurse na nasa private hospital sa metro manila at mababa pa aniya sa nasabing halaga ang natatanggap na sahod ng mga nasa probinsya.
Sinabi pa ni abenojar na hindi makatarungan ang tinatanggap na sahod ng mga nurse sa bansa, kung saan tila hindi aniya sila mga propesyonal.
Iginiit pa ni abenojar na ang Pilipinas ang may pinakamababang pasahod sa mga nurse sa buong asya.
Umaasa naman ang pangulo ng Filipino Nurses United na maitaas sa 50,000 ang entry salary ng mga nurse sa Pilipinas.