Walang batas na sumasaklaw sa mga Pilipinong iligal na lumalabas ng bansa.
Ito’y ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon ng ahensya kaugnay ng iligal na paglabas ng bansa ni dating presidential spokesman Atty. Harry Roque.
Samantala, iginagalang naman ng Bureau of Immigration ang pahayag ni Sen. Win Gatchalian na ang ahensya ang ‘weakest link’ sa nasabing isyu.