Nagpaabot ng pakikiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa milyun-milyong Katoliko sa pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni PBBM ang mga Katoliko na tuklasin ang kanilang lakas at bagong kahulugan ng pag-asa at layunin sa buhay.
Binigyang diin pa ni PBBM na ang pista ng Itim na Nazareno ay isang napakagandang pagdiriwang ng walang hanggang awa at walang katapusang pagmamahal ng Makapangyarihan sa lahat, na ibinibigay sa bawat isa.
Hinimok naman ni Pangulong Marcos ang mga deboto na tandaan ang kahalagahan ng pagsasakripisyo, dahil sa mga ganitong panahon aniya sumasailalim sa pagbabago at spiritual transformation ang lahat.
Kasabay nito, hinikayat ng presidente ang mga mananampalataya na palalimin ang kanilang koneksyon sa Diyos at maging instrumento ng kapayapaan, pagkakaisa, at habag para sa mga Pilipino at maging sa bansa. - mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)