Nanganganib na maapektuhan ang nasa 900,000 tsuper at operator, sakaling hindi makapag-renew ng prangkisa at hindi makapag-consolidate sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa December 31.
Ibinabala ni Piston President Mody Floranda na kapag hindi sila pinagbigyan sa kanilang hiling ay muling magkakaroon ng transport crisis, na makakaapekto sa ekonomiya.
Kaugnay nito, nanawagan ang PISTON President sa pamahalaan na pag-aralang mabuti ang naturang hakbang.
Matatandaang hiniling ng grupo na irekonsidera ng LTFRB ang desisyon nitong ituloy ang deadline ng konsolidasyon ng jeepney drivers at operators sa kooperatiba at korporasyon hanggang sa nabanggit na petsa.