Maituturing na “Gold Medalist” Ang Pilipinas sa usapin ng teenage pregnancies sa buong Asean Region.
Ito’y ayon kay Commission on Population and Development Communication Division Chief Mylin Mirasol Quiray, matapos lumobo sa 150,000 ang kaso ng teenage pregnancy sa bansa noong 2022.
Batay aniya sa datos ng Philippine Statistics Authority, tumaas ng 10.15 % ang teenage pregnancies sa bansa, mula sa mahigit 136,000 cases na naitala noong 2021.
Kabilang sa mga tinukoy na dahilan ng CPD official sa pagtaas ng bilang ng teenage pregnancies ang pagkakalantad ng mga kabataan sa pornographic content online.
Nakita rin aniya ang mataas na exposure dito ng mga kabataan noong 2021, na kasagsagan ng pandemya.
Kaugnay nito, hinimok ng POPCOM ang mga magulang na magsilbing first sexuality educators sa kanilang mga anak at bantayan ang mga pinapanood ng mga ito sa internet.