Posibleng bumalik sa manu-mano ang bilangan sa 2025 midterm elections.
Ito’y dahil sa kontrobersya ng 18 billion pesos automated election contract ng Commission on Election sa Korean firm MIRU Systems.
Sinabi ni First Rider Partylist Representative Rodge Gutierrez, na nakakabahala ang mga alegasyon hinggil sa mga iregularidad sa kontrata lalo na’t malapit na ang eleksyon.
Dagdag pa ng mambabatas, na makansela man o hindi ang kontrata ng COMELEC at MIRU, matutuloy pa rin ang eleksyon.
Ikinabahala naman ni Representative Gutierez ang muling paggamit ng vote counting machines ng Smartmatic lalo na’t kinasuhan ito ng Estados Unidos.