Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 6.8 na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao.
Sa datos ng NDRRMC, mula sa siyam, umakyat pa sa labing isa katao ang namatay habang tatlumpu’t pito ang nasugatan sa lindol.
Isang setenta’y otso anyos ang nakumpirmang nasawi matapos gumuho ang mga bato habang nagpapahinga partikular sa Butuan Jose Abad Santos, Davao Occidental.
Sa pinakahuling tala ng NDRRMC, nasa 16,598 pamilya o halos 80k indibidwal ang naapektuhan mula sa 120 barangay ng Region 11 at 12.
Kasunod nito, kabuuang 5,407 kabahayan ang napinsala ng lindol kung saan 4,733 ang naitalang partially damaged at 674 ang totally damaged.