Tumaas ang Farmgate price ng palay nitong buwan ng Pebrero.
Ito ang inihayag ng Philippine Statistics Authority na muling naitala ang mas mataas na average Farmgate price ng palay na aabot sa P25.21 kada kilo.
Ayon sa PSA, mas mataas ito ng 1.2 % kung ikukumpara sa farmgate price na naitala noong Enero na aabot sa P24.92 kada kilo.
Mas mataas din ito ng 38.6% kumpara sa naitalang farmgate price noong nakaraang taon na aabot sa P18.19 kada kilo.
Binigyang diin ng PSA na ang Region 1 o Ilocos Region ang may pinakamataas na farm gate price ng palay na umabot sa P28.41 kada kilo. – sa ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13).