Nabayaran na ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang mga Overseas Filipino Workers na nawawalan ng trabaho sa kanilang bansa noong 2015 at 2016.
Ito ang magandang ibinalita ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior hinggil sa matagal nang hinihintay na backwages at kompensasyon ng mahigit 10,000 OFW’s na nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia.
Ayon kay Pangulong Marcos, may kabuuang 868,740,544 ang may clearance na ng alinma bank sa pamamagitan ng Land Bank of the Philippines, at 843 na tseke na nagkakahalagang P700 – M ang nai-credit na sa peso equivalent.
Matatandaang ipinangako ni Saudi Crown Prince Mohammed kay PBBM na babayaran ang mga OFW na nawalan ng trabaho sa nabanggit na bansa. – sa ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)