Mayorya ng mga Pilipino ang umaasang bubuti ang kalagayan ng ekonomiya at direksyon ng bansa sa susunod na taon.
Ito ay batay sa inilabas na survey ng PUBLiCUS Asia sa 1,500 respondents na isinagawa mula November 29 hanggang December 4.
Ayon sa survey, aabot sa 43% hanggang 45% ang umaasang bahagyang uunlad ang kalagayan ng Pilipinas sa 2024.
Tumaas sa 43% ang nagsasabing uunlad sa ikatlong quarter ng taon hanggang 49% sa ika-apat na quarter ng taon.
40% hanggang 45% sa South Luzon at 41% 47% sa Visayas.
Bumaba naman sa 44% sa Mindanao na mula sa 50%.
Gayunpaman, ipinunto ng PUBLiCUS Asia na ang mga opinyon ng respondents hinggil sa direksyon ng bansa ay makabuluhang bubuti dahil tumaas mula 61% sa ikatlong quarter hanggang 66% sa ikaapat na quarter.