Nakapagtala ang Department of Health ng anim na mga kaso ng e-cigarette or vaping use-associated lung injury o evali sa bansa ngayong taon.
Ito ay batay sa ulat ng Philippine College of Chest Physicians mula Abril hanggang Hulyo sa kasalukuyang taon.
Ayon sa DOH, ang evali ay isang medical condition kung saan ang mga pasyente ay natutukoy na may respiratory illness o lung injury na may kaugnayan sa paggamit ng electronic cigarettes o vaping products.
Dahil dito, nanawagan ang kagawaran sa mga medical experts na kaagad na ireport sa kanila ang mga maitatalang evali cases.
Makatutulong din anya kanilang pag-rerport sa collective efforts upang sugpuin ang pagkalat ng sakit.