Hindi umano aabutin ng isang oras ang magiging State of the Nation Address ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., bukas, July 24, 2023.
Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, base sa kanyang impormasyon, posibleng abutin lamang ng 45 minutes ang gagawing pag-uulat sa bayan ng Pangulo.
Pagdating naman sa lalamanin ng talumpati ni PBBM, sinabi ni Romualdez na wala syang anumang detalye ukol dito.
Pero kung pagbabasehan aniya ang unang taon ng administrasyong Marcos, maganda ani Speaker ang itinatakbo ng ekonomiya dahil sa naging mabilis ang pagtaas ng Growth Domestic Product (GDP) ng bansa.
Samantala, inihayag ni Speaker Romualdez na bukas, nakatakda nang magconvene ang mga miyembro ng House of Representatives kasabay ng kanilang pagdalo sa ikalawang SONA ni Pang. Marcos.