Hinimok ng National Telecommunications Commission (NTC) ang publiko na ireport sa kanilang ahensya ang mga natatanggap na scam text messages.
Ayon sa NTC, maaring isumite o ipadala sa kanilang email account na kontratextscam@ntc.gov.ph ang mga kinakailangang dokumento gaya ng kumpletong pangalan ng complainant, address, email, contact number, ang inirereklamong cellphone number, screenshot ng text scam message kasama ang mobile number ng sender, at ang photo copy ng kahit na anong government-issued ids.
Giit ng ahensya, sisiguruhin nilang magiging confidential ang personal data ng sinumang maghahain ng reklamo sa kanilang tanggapan alinsunod sa Data Privacy Act.
Pwede rin anilang i-upload sa NTC website ang mga kinakailangang katibayan sa pamamagitan ng pagfill-up o pagpirma sa text scam complaint form.