Lumalabas sa pag-aaral ng Global Trend Forecasting Company na WGSN na ang nararanasang health crisis ang dahilan kung bakit maraming Pilipino ang mas binibigyang pansin na ngayon ang kanilang mga sarili.
Ayon sa WGSN, isa ito sa mga dahilan kayat mabilis ang paglago ng Internet economy sa Asia-Pacific Region sa taong 2022.
Malaki ang naging kontribusyon ng E-commerce platforms at ng mga food delivery apps sa pag-unlad ng growing online market ng bansa.
Pahayag ng WGSN, na dahil sa mga naranasang matagalang lockdowns, maraming Pilipino ang naging “Joy Seekers,” na ang karamihan ay natagpuan ito sa mga online delivery apps.