Napigilan ng Bureau of Customs (BOC) ang tangkang pagpasok sa bansa ng P240 Million na halaga ng smuggled na refined sugar o asukal mula Thailand.
Ayon sa BOC, nasukol ng pinagsanib na pwersa ng Customs Police Division-Enforcement and Security Service (CPD-ESS), Customs Intelligence and Investigation Service, at ng Philippine Coast Guard ang isang vessel na naglalaman ng mga asukal sa karagatang sakop ng bauan at mabini sa Batangas.
Pahayag ng ahensya, aabot sa 50 kilo ang nilalaman ng kada – bag ng puting asukal na nasamsam ng pdea na ipadadala sana sa Stone Int’l. Co. Ltd, na mula naman sa shipper nitong Thai Sugar Trading Corp.
Pahayag ng BOC, ikinasa nila ang operasyon kasunod ng ulat na kanilang natanggap na may kargang mga asukal ang VOI MV Sunward na nakatakdang dumaong sa Batangas kahit pa wala itong notice of arrival na inihain sa BOC.