Aabot sa 23.5M tickets ang inaasahang ibebenta para sa gaganaping World Cup sa Qatar.
Pahayag ng Fédération Internationale de Football Association (FIFA), base ito sa naging kahilingan ng mga mga bansang kabilang sa pandaigdigang palakasan na kinabibilangan ng Argentina, Brazil, England, France, Mexico, Qatar, Saudi Arabia at United States.
Ayon sa FIFA, marami sa mga manonood ang mas nais na manood sa mismong araw ng pinale sa December 18.
Pinaka-inaabangan umanong laban dito ang paghaharap ng Argentina at Mexico, Argentina vs. Saudi Arabia at England vs.US.
Kung ikukumpara daw noong 2018 world cup na ginanap sa Russia, mas mataas daw ngayon ng 30% ang presyo ng mga ticket at mas magmamahal pa ito sa mga final games na posibleng umabot sa 45% o $1,600.