Kinakailangan nang mag-double time ang National Telecommunications Commission at mga telco upang mapabilis ang kanilang sistema.
Ito ang apela ni Congressman Ron Salo ng Kabayan Partylist makaraang mag-trending sa social media ang mga reklamo dahil sa hirap na makapagparehistro ng sim.
Base sa ulat, nag-down ang registration systems ng mga telco at hindi na maasikaso ang dagsa ng mga nais magparehistro.
Pinapurihan naman ni Salo ang ating mga kababayan dahil sa pagnanais na sumunod sa isinasaad ng batas bagama’t may 180-day period o hanggang Abril pa para sa pagpaparehistro ng kanilang mga Sim Card.
Panawagan ng Solon sa NTC at mga telco na ayusin na ang kanilang sistema para maging madali sa ating mga kababayan na makapagpa-rehistro ng kanilang mga sim card.
Pwede rin aniyang kunsidera na palawigin ang 180-day registration period lalo nat patuloy na nagkaka-aberya ang sistema ng mga telecommunications company sa bansa.