Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,196 new Covid-19 cases.
Pero sa kabila nito, ayon sa DOH, patuloy ang pagbaba ng active cases sa bansa na pumalo na lamang sa 18,262 mula sa 18,910 nitong nakalipas na Biyernes.
Umakyat naman sa 4,055,396 ang kabuuang bilang ng mga nahawaan ng virus.
Base sa datos ng DOH, nakuha ng National Capital Region ang pinakamataas na bilang ng Covid-19 cases sa nakalipas na dalawang linggo, na umabot sa 5,945, na sinundan ng CALABARZON – 2,498; Central Luzon – 1,222; Cagayan Valley – 716; at Western Visayas na mayroong 706 cases.
Sumampa naman sa kabuuang 3,972,100 ang bilang ng mga gumaling at nasa 65,034 ang mga pumanaw dahil sa virus.