Tuluy-tuloy na nakikipag ugnayan ang Department of Agriculture sa mga magsasaka para makahanap ng paraan upang maiwasan ang pagsirit pa ng presyo ng sibuyas.
Tiniyak ito ni Agriculture Spokesperson Assistant Secretary Khristine Evangelista na nagsabi pang nananatiling mataas ang presyo ng sibuyas na nasa 500 hanggang 700 pesos kada kilo dahil na rin sa mataas na farmgate price.
Sinabi ni Evangelista na posibleng bumaba ang presyo ng sibuyas sa mga susunod na linggo sa gitna na rin nang inaasahang pagsisimula ng pag-aani sa ikalawang linggo ng buwan.
Kasabay nito, pinalakas pa ng DA ang operasyon ng Kadiwa on Wheels para mabigyan ang publiko ng alternatibong pagbibilhan ng mga gulay.