Balik Pinas na ang 29 na Overseas Filipino Workers (OFW) mula Riyadh, Saudi Arabia.
Ito ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ay pinakahuling repatriation flight ng 2022 na ikinasa ng Philippine Embassy sa Riyadh.
Kabilang sa mga umuwi ng bansa ay mga menor de edad at nasa 600 distressed OFW na ang naiuwi ng embahada mula sa Saudi Arabia sa nakalipas na taon.