Patuloy ang mahigpit na monitoring ng Bureau of Quarantine (BOQ) sa mga dumating na Chinese nationals na nagpositibo sa COVID-19.
Tiniyak ito ni BOQ Deputy Director Roberto Salvador, Jr. matapos ilagay sa isolation ang mga naturang Chinese nationals na isasalang muli sa RT-PCR test sa Philippine Genome Center para malaman kung anong variant ng COVID-19 ang kumapit sa mga ito.
Muli namang siniguro ng BOQ ang mas pinaigting na border control ng bansa sa inbound travellers mula China.