Pag aaralan pa ng Public Private Partnership (PPP) Center ang privatization ng EDSA Bus Carousel Service.
Ayon kay Transportation Undersecretary Mark Steven Pastor, nakikipag ugnayan na sila sa PPP Center kaugnay sa nasabing feasibility study para malaman ang epektibong paraan sa pagkakasa ng privatization ng EDSA Bus Carousel Service.
Kaugnay nito, ipinabatid ni Pastor na ilang kumpanya na ang nagpaabot ng kagustuhang i-operate EDSA Bus Carousel Service simula sa susunod na taon.
Matatapos na sa December 31 ang libreng sakay na alok ng gobyerno sa pamamagitan ng EDSA Bus Carousel Service na napapakinabangan ng nasa halos 400,000 pasahero kada araw.