Tiwala si House Speaker Martin Romualdez na maaabot ng Marcos administration ang target nitong makapagpatayo ng 6-M pabahay sa loob ng anim na taon.
Binigyang diin ni Romualdez na ang nasabing pabahay program ay hindi lamang tugon sa problema sa pabahay kundi katuparan din ng pangarap ng milyong Pilipino na nagnanais magkaruon ng sariling bahay.
Una nang idinaos ang groundbreaking ceremony ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program sa Barangay Atate, Palayan City sa Nueva Ecija kung saan itatayo ang A44 tower building na may 11,000 housing units.
Ipinabatid ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) na papalo sa halos 11-M ang housing backlog ng bansa sa pagtatapos ng Marcos administration kapag hindi ito agarang matugunan.