Tuluy tuloy ang pakikipag ugnayan ng Public Attorney’s Office (PAO) sa DOJ at BuCor kaugnay sa pagpapalaya ng mga persons deprived of liberty (PDL).
Tiniyak ito ni PAO Chief Atty. Percida Rueda-Acosta kasunod nang pagpapalaya sa 500 PDLs.
Ito aniya ay ika-4 na batch na ng mga pinalayang PDLs at umaasa silang magsusunud sunod na ang pagpapalaya sa iba pa.
Ipinabatid ni Acosta na naisumite na nila kay BuCor Director General Gregorio Catapang ang listahan ng inmate na uubra nang palayain matapos mapagsilbihan ang kanilang sentensya.
Kabilang aniya sa mga dapat palayain ay mga overdue na sa kulungan at nakitaan ng good conduct time allowance.