Opisyal nang binuksan sa publiko ang Christmas Tree at Parol Viewing ang Kalayaan Grounds ng Malacañang.
Ito ayon sa Palasyo ay kaugnay sa pagdiriwang na tinaguriang “Tara sa Palasyo” kung saan binuksan din ang Kalayaan Grounds para sa tradisyunal na simbang gabi na nagsimula kaninang alas 4:30 ng madaling araw.
Papayagang makapasok ang publiko sa Gate 6 ng Palasyo simua alas-7:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga hanggang December 24.