Tuluy-tuloy ang paglilinis ng MMDA sa mga alternatibong kalsada.
Ito ayon kay MMDA spokesperson Melissa Carunungan ay upang mapaluwag ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA lalo na ngayong Kapaskuhan.
Kasunod na rin ito nang inaasahang pagsisikip ng daloy ng trapiko lalo na sa EDSA dahil puspusan ang pamimili ng publiko ng regalo habang papalapit ang Kapaskuhan.
Sinabi ni Carunungan na nakakalat na ang kanilang mga tauhan para tutukan ang trapiko.
Kasabay nito, pinayuhan ng MMDA ang publiko na maghanap ng alternatibong daanan upang hindi makadagdag sa bigat ng trapiko sa EDSA.