Patuloy ang pagsirit ng presyo ng sibuyas ngayong linggo.
Nabatid na mula sa 230 pesos nuong nakalipas na linggo sumipa na sa 250 hanggang 270 pesos ang kada kilo ng sibuyas sa kasalukuyan.
Ayon sa ilang vendors, marami pa rin ang bumibili ng sibuyas na dinarayo pa sa Divisoria ng mga nagtitinda nito mula sa Las Piñas City.
Kasabay nito, ipinabatid ng mga tindero ng sibuyas sa Divisoria na posibleng sa buwan ng Pebrero ng susunod na taon na muli magkakaruon ng panibagong stock ng lokal na sibuyas mula sa kanilang supplier subalit aabot naman ng January 2023 ang kanilang panindang sibuyas.