Titiyakin muna ng Department of Agriculture (DA) na ligtas ang mga nakumpiskang puting sibuyas bago ibenta ng mas mura sa Kadiwa stalls.
Binigyang diin ito ni Agriculture Deputy Spokesperson Rex Estoperez sa gitna ng plano nilang ibenta ng mas mura ang puting sibuyas na nakumpiska mula sa serye ng raid sa mga nakalipas na linggo.
Ang nasa halos P4-M halaga ng smuggled na puting sibuyas ay nasa warehouse ng Bureau of Plant Industry (BPI) para sa kaukulang inventory.
Una nang inihayag ng BPI na walang phytosanitary permit ang mga nasabing sibuyas kaya’t posibleng hindi ligtas kainin ang mga ito dahil posibleng may kemikal ang mga ito.