Pinapanagot ng Valenzuela city prosecutors si dating energy secretary Alfonso Cusi sa cyber libel case na isinampa ni senador Sherwin Gatchalian.
Kinasuhan ni Gatchalian si Cusi matapos sabihin ng dating kalihim na nakinig ang senador sa mga may business interest sa ginawang pagdinig ng komite sa senado at matapos ang resolusyon na nagrerekomendang kasuhan ito at iba pang opisyal sa ombudsman.
Binigyang-diin ng prosecutors na malinaw na mayruong malisya ang nasabing pahayag ni Cusi laban kay Gatchalian na ipinost pa sa website ng DOE.
Una nang inihayag ni Gatchalian na nabahiran ng malisyosong pahayag ni Cusi ang kanyang reputasyon at integridad gayundin ang imbestigasyon ng senate energy committee.