Naiuwi na ng DSWD ang halos 300 kababayang badjao sa Zamboanga.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni DSWD secretary Erwin Tulfo na nagsabing target nilang maiuwi rin kaagad sa iba pang lugar sa Mindanao ang mga kapatid na Badjao na nasa Metro Manila pa.
Sinabi ni Tulfo na sa tulong ng LGU’s ay bibigyan nila ng ayuda at hanapbuhay tulad nang pagtitinda ng mga alahas ang mga Badjao para manatili na ito sa kani kanilang mga tirahan sa Mindanao.
Sa mga susunod na araw aniya ay bibigyan din nila ng tulong ang mga Badjao at maging mga Tausug na nasa bayan ng Jolo sa Sulu.
Inaasikaso namin, naipadala na po namin ‘yung 300 pero napakadami pa po nila, isang libo diyan sa Metro Manila so mayroon pa kaming iuuwi na 700 at ire-rescue, 300 na naipadala namin dito hinihintay na lang namin ‘yung pagdating ng another 300 dito so mga 600 po iyan…iuuwi po natin sila sa Basilan sa Jolo ang iba sa Tawi-Tawi ‘yung iba sa Zamboanga…’’ -DSWD secretary Erwin Tulfo, sa panayam ng DWIZ.