Nagkasa ang SM Store, mastercard at SM Foundation para makapagbigay ng educational support sa mga kababaihang SM scholars na nakatutok ang pag a-aral sa Science, Technology, Engineering and Math (STEM) fields.
Ang partnership na sinelyuhan sa isang seremonya ay patunay ng commitment ng mga nasabing kumpanya sa pagsusulong ng pantay na oportunidad para sa mga kababaihang estudyante na naka enrol sa stem fields at mapalakas pa ang kakayahan ng mas maraming kababaihan na mag excel sa Science, Technology, Engineering at Math.
Ayon kay SM Store Vice President for Marketing Roshan Nandwani , patuloy ang commitment nila sa pagtulong na matupad ang pangarap ng isang babae sa pamamagitan ng edukasyon.
Kaya naman sa pamamagitan nang pagbibigay ng access sa edukasyon , naisip nila ang mastercard bilang great partner lalo na’t nakatuwang din nila ang mastercard nuong 2021 sa pagbibigay ng mga tablet na magagamit ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral.
Binigyang diin ni Nandwani na taong 2022 nila higit na naramdaman ang mas matinding pangangailangang mabigyan ng stem education ang kanilang scholars para makaagapay sa mga hamon ng buhay o kung anumang sitwasyon maharap ang mga ito.
Ang STEM aniya ay nakapagbibigay ng mga skills para patuloy na tumayo sa kabila ng mga pagsubok at dahil sa gender gap ng mga kababaihan ay kailangan lamang mag focus sa pagkakaloob ng edukasyon sa deserving female students.
October 2022 nang makiisa ang shoppers sa adhikaing ito ng SM Store sa pamamagitan ng shop and give back initiative kung saan nag donate ang mastercard ng P100 sa kada purchase o nabili na nasa P500 pataas , gamit ang mastercard card.
Ang mga pinagsama samang donasyon ay naging susi sa full scholarships ng mahigit dalawampung female sm scholars na nasa stem education tulad ng engineering at it.
Sinabi naman ni Simon Calasanz, country manager ng Philippines mastercard na nagkatagpo ang advocacy ng SM Foundation na patatagin ang mga kabataan sa pamamagitan ng edukasyon sa misyon ng mastercard na bumuo ng isang makatuwirang mundo kung saan uunlad ang lahat.
Ayon pa kay Calasanz, kadalasang hindi at home ang mga kababaihan sa STEM programs subalit tiwala ang mastercard , katuwang ang SM group na nakapagbibigay ito ng access at support para mapalakas ang susunod na henerasyon ng mga kababaihang lider sa STEM, tungo sa unti unting pagtugon sa gender gap.
Bukod sa pagkakaloob ng full scholarships sa SM scholars sa Stem field, Taong 2021 naman nang mag partner ang SM group at mastercard para sa Shop & Share campaign kung saan 1, 210 scholars ang nabigyan ng electronic tablets para makatulong sa kanilang online learning sa kasagsagan ng pandemya.
Para sa iba pang impormasyon kaugnay sa social good partnership ng SM group at mastercard , bisitahin lang ang hhtp://www.shopsm.com/pages/shop-give-back-mastercard o http://www.sm-foundation.org/