Mas madaling koordinasyon ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa mga ahensya ng gobyerno
Ito ayon kay agriculture undersecretary Khristine Evangelista ang number 1 factor kaya’t nais nilang manatiling agriculture secretary ang Pangulong Marcos.
Sinabi ni Evangelista na mas maraming mareresolbang mga problema at concerns kapag mismong ang Pangulong Marcos ang nanguna sa koordinasyon sa iba pang ahensya ng gobyerno.
Magugunitang sa resulta ng Publicus Asia pahayag 2022 quarterly survey mula September 16 hanggang 20, 63% ng 1,500 respondents ang naniniwala sa kakayahan ng Pangulong Marcos na maging pinuno ng Department of Agriculture.
Judith Estrada-Larino
Balik-operasyon na bukas, October 25 ang Mactan Cebu International Airport.
Ayon ito sa pamunuan ng nasabing paliparan, matapos mag-overshoot ang isang eroplano ng korean air sa isang runway kagabi.
Gayunman, ipinabatid ng naturang paliparan na para lamang sa mga maliliit na domestic aircraft ang pagbubukas ng operasyon nito mamayang alas-12:01 ng hatinggabi.
Patay ang dalawang bata dahil sa suffocation dulot ng sunog sa kanilang bahay sa Urrutia street sa Valenzuela City.
Ayon sa awtoridad, ang labi ng mga biktima na nasa edad tatlo at siyam ay natagpuan sa banyo ng kanilang bahay na nasunog dakong alas-8 ng umaga at tuluyang naapula mag-a-alas-9 ng umaga.
Ipinabatid ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian na bagama’t napigilang kumalat ang nasabing sunog, hindi naman nakalabas ng kanilang bahay ang magkapatid na biktima dahil sa matinding usok.
Electrical wirings ang tinututukang dahilan ng nasabing sunog kung saan lumabas ang ina ng mga biktima para patayin ang fuse box, subalit lumakas na ang apoy nang makabalik ito.
Tiniyak ng Valenzuela City government ang psychological briefing sa ina, burial assistance, pagkain at iba pang tulong sa pamilya ng mga biktima na ang kanilang ama ay nagtatrabaho sa ibang bansa.
MMDA, nagkasa ng clearing operations sa 2 sementeryo sa Caloocan at Malabon
Nagsagawa ng clearing operations ang MMDA sa mga daan patungo sa dalawang sementeryo sa Caloocan at Malabon, isang linggo bago ang paggunita sa araw ng mga patay.
Nilinis at inayos ng mga tauhan ng MMDA ang mga daan patungong Tugatog Public Cemetery sa Malabon at Sangandaan Cemetery sa Caloocan.
Kaugnay nito, tiniyak ni MMDA Task Force Special Operations Chief Bong Nebrija na imo-monitor nila ang mga sementeryo araw araw hanggang Undas para masigurong libre ang mga ito sa illegal parking at illegal vendors.
Ipinabatid ni Nebrija na ilang motorista ang pinagmulta ng 1,000 piso dahil sa illegal parking samantalang itinow nila ang sasakyan ng Caloocan City Disaster Risk Reduction Office na nag park sa no parking sign katabi ng Sangandaan Cemetery.
Bukod sa mga sementeryo, iinspeksyunin din ng MMDA ang mga bus terminal at itutuloy ang road clearing operations kahit tapos na ang holiday para ma-assist ang mga pabalik naman ng Metro Manila mula sa mga lalawigan.
Imbestigasyon kaugnay sa sumadsad na eroplano sa MCIA, inilarga na ng CAAP
Iniimbestigahan na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pag overshoot ng isang eroplano ng Korean Air sa runway ng Mactan Cebu International Airport (MCIA), kagabi.
Batay sa initial imbestigasyon ng CAAP, dalawang beses sinubukan ng Airbus SE A330 flight KE361 galing Seoul na mag landing subalit dahil sa sama ng panahon ay nag overshoot ito sa runway sa ikatlong pagkakataon nang muling subukang lumapag.
Humingi na rin ng paumanhin si Korean Air President Keehong Woo sa mga naapektuhang pasahero kasabay ang pagtiyak ng imbestigasyon sa nasabing insidente. —sa ulat ni Raoul Esperas (Patrol 45)
Mga pasahero ng MCIA, stranded matapos ang overshoot incident ng Korean Air flight KE631
Stranded pa ang maraming pasahero sa Mactan Cebu International Airport (MCIA) matapos mag overshoot ang isang eroplano ng Korean Air sa isang runway ng nasabing paliparan kagabi.
Ayon ito kay Edilyth Maribojoc ng GMCAC Cebu Airport Cooperation Public Affairs, sa gitna na rin ng patuloy na imbestigasyon sa nasabing insidente.
Naipaabot na aniya nila sa mga airlines na dapat gumawa ng kinakailangang adjustments dahil hindi pa magagamit ang naturang runway kung saan naruon pa rin ang sumadsad na eroplano ng Korean Air.
Ligtas namang nai evacuate sa MCIA Terminal 2 ang lahat ng 162 passengers na kinabibilangan ng 160 adults at dalawang sanggol at 11 crew para sa medical evaluation bago payagang makaalis sa airport. —sa ulat ni Raoul Esperas (Patrol 45)
Gilas Pilipinas, tuloy pa rin sa pagkuha kay Kai Sotto sa November window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers
Hindi iaatras ng Gilas Pilipinas ang pagkuha kay Kai Sotto para maging bahagi ng team ng bansa sa November window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Ipinabatid ni Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes na tuluy tuloy ang pakikipag ugnayan nila sa Samahang Basketball sa Pilipinas (SBP) sa Australia para mahiram si Sotto.
Si Sotto na nasa ikalawang taon na nang paglalaro sa Adelaide 36ers sa Australian National Basketball League, ayon sa pamunuan ng Gilas ay makakatulong lalo pa’t hindi na makakapaglaro si June Mar Fajardo dahil sa injury nito.
Ang Gilas ay nakapagtala na ng tig tatlong panalo at talo at makakaharap ang team ng Jordan sa November 10 at November 13 naman ang tropa ng Saudi Arabia.
Hinimok ni Senate Minority Leader Aquilino Koko Pimentel, III ang Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. na magtalaga na ng kalihim ng Department of Health.
Sinabi ni Pimentel na kung sinuman ang bagong DOH Secretary, ay dapat suportahan ng pangulo para mapangunahan ang bansa na “live with the virus”.
Ayon kay Pimentel, hindi naman lahat ay krisis kayat dapat ay ma normalize ang trabaho ng gobyerno partikular sa DOH at DA.
Sa ngayon ay OIC pa rin sa DOH si Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
COVID-19 pandemic sa bansa, hindi na itinuturing na ‘emergency’ —PBBM
Hindi na ituturing na “Emergency” ng Pilipinas ang COVID-19 pandemic.
Ayon ito sa Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. bagamat mananatili ang idineklarang State of Calamity sa buong bansa dahil pinaplantsa pa ang ilang usaping may kinalaman sa pandemya.
Binigyang diin ng pangulo na kailangan nang kumawala ng bansa sa emergency situation para makapagbukas na rin ang lahat ng mga negosyo at tuluy tuloy na ang pagpasok ng mga turista.
Inihayag pa ng pangulo na batid na ng DOH ang pagtukoy sa mga itinuturing na vulnerable sa COVID-19 kumpara nuong bago pa lamang ang pandemya na tila nangangapa ang buong mundo. —sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)
Mga turista, hinikayat ni PBBM na dumayo sa Bacolod at Masskara Festival
Hinimok ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. ang publiko na bumisita sa mga magagandang lugar o pasyalan sa Bacolod City.
Kasunod na rin ito nang inaasahang personal na pagdalo mismo ng pangulo sa pagdiriwang ng 2022 Masskara Festival ng lungsod sa Linggo, October 23.
Ayon sa pangulo, pagkakataon ito para muling makisaya at makatagpo ng mga bagong kaibigan matapos magsara ang ekonomiya, kung saan hindi napayagan ang mga kaparehong pagtitipon at kasiyahan ng ilang taon dulot ng COVID-19 pandemic.
Binigyang-diin ng PBBM na ang pagbabalik ng Masskara Festival na kilala sa buong mundo ay senyales na bukas na muli ang Pilipinas at handa nang tumanggap ng mga dayuhang turista at bisita.
Tiwala ang Pangulong Marcos Jr. na ang nakatakdang okasyon ay magsisilbing daan upang muling mapag-alab sa puso ng bawat isa ang kasiyahan na may ganitong kultura at tradisyon sa bansa. – mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)