Bumibilis na ang internet sa Pilipinas partikular nuong nakalipas na buwan.
Ayon sa speedtest Ookla, isang internet speed monitoring firm tumaas sa 22.54 megabits per second (MBPS) ang fixed mobile median download speed nuong Setyembre mula sa 22.35 mbps nuong Agosto.
Dahil dito, pumuwesto ang Pilipinas sa 85th place mula sa 139 countries na mino-monitor ng Ookla kaugnay sa mobile internet speed.
Samantala, ang fixed broadband median speed ay tumaas sa 78.69 mbps sa buwan ng Setyembre mula sa 78.33 mbps nuong Agosto.
Mula sa 50 Asian countries, nasa ika-14 na puwesto ang Pilipinas sa usapin ng fixed broadband at 29th place sa mobile broadband.