Umapela ng suporta si Finance Secretary Benjamin Diokno mula sa pribadong sektor para mapalakas ang economic plans ng gobyerno.
Sa kanyang pagdalo sa 48th Philippine Business Conference and Expo binigyang-diin ni Diokno ang katatagan at pagsisikap ng business sector na manatiling malakas ang ekonomiya sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Tinukoy din ni Diokno ang paglakas ng investors’ confidence na pinatunayan ng itinuturing na highest ever foreign direct investments nuong nakalipas na taon na pumapalo sa 12.4 billion dollars.
Magugunitang umangat ang ekonomiya ng Pilipinas sa 7.8% sa unang semester ng 2022.