Mahigpit ang sanib puwersang alerto na ipinatutupad ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) kontra smuggling ng puting sibuyas sa bansa.
Ayon kay Agriculture Udersecretary for Consumer Affairs Kristine Evangelista nakikipag-ugnayan na sila maging sa Bureau of Plant Industry (BPI) para alamin kung bakit nakakakuha pa ng supply ng white onion kahit walang importation permits.
Patuloy aniyang ini inspeksyon ng BPI ang mga merkado hinggil sa posibilidad na smuggled puti at pulang sibuyas na hindi dumaan sa good safety protocols kaya’t hindi tiyak kung ligtas ang mga ito.
Sinabi pa ni Evangelista na hindi lamang retailers ang dapat managot kundi maging ang supplier ng smuggled onions.
Una nang nakumpiska ang 47 sako ng dilaw na sibuyas sa Malabon Central Market at Divisoria kung saan nasa 500 pesos ang kada kilo.