Pinangunahan ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang ceremonial signing ng Service Legal Agreement (SLA) kaugnay sa konsulta package ng PhilHealth.
Ang SLA ay kontrata sa pagitan ng PhilHealth at Primary Care Provider Network (PCPN) kung saan tutukuyin ang mga serbisyo at inaasahang level of service na ibibigay ng magkabilang panig.
Ang nasabing kasunduan ay bahagi nang mahigpit na pagkakasa ng Republic Act 11223 o Universal Health Care Act na naglalayong masakop ang lahat ng ma pilipino.
Kaugnay nito, nakipag partner ang philhealth sa limang Local Government Units at dalawang private sector groups para sa unang pitong primary care networks sa bansa.
Ipinabatid ng DOH na ang pcpn ang magpapatupad ng isang strategy sa sandbox o testing basis sa ilang piling lugar sa pamamagitan ng advanced payments bago ang pagbibigay ng serbisyo.
Sakop ng PhilHealth konsultasyong sulit at tama primary care benefit package ang patient consultations, kahit ano sa 13 laboratory at diagnostic tests na pinagagawa ng mga doktor at 21 gamot na maaaring i reseta batay sa kondisyong pangkalusugan ng pasyente.
Kasunod nito ang pagbabayad ng PhilHealth sa konsulta providers ng P500 – P750 kada pasyente kada taon sa pamamagitan ng reimbursement basis matapos maibigay ang serbisyo.
Sa nabuong ilang local primary care networks sa ilalim ng UHC act, sinabi ng doh na tinatayang 2-M Pilipino mula sa Bataan, Guimaras, Quezon, South Cotabato at Baguio City, ang inaasahang makikinabang.
Samantala, 300,000 pang Pilipino na nasa ilalim ng life group at qualimed ang magbe- benepisyo sa mga pagbabago sa primary care financing.