Bubuo ang COMELEC ng sariling Cybersecurity Division para tugunan ang posibleng data breach o hacking sa server nito.
Ayon ito kay COMELEC Spokesperson John Rex Laudiangco matapos i-absuwelto ng National Privacy Commission (NPC) ang COMELEC at Smartmatic sa reklamong data breach.
Sinabi ni Laudiangco na ang Cybersecurity Division ay bahagi ng road map kasabay ang pagpapatibay sa technological systems ng poll body para sa mga susunod na halalan.
Nakikipag ugnayan na aniya sila sa NPC at kumukunsulta sa kanilang law department, OSG at DOJ para sa binubuong Cybersecurity Division.