Tiyak nang malulusaw sa unang quarter ng taon ang limang natitirang guerilla fronts sa bansa.
Ayon ito sa National Security Council (NSC) sa gitna nang rin nang paglalatag ng year end accomplishment report ng National Task Force to End Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa Malakanyang.
Binigyang diin ni National Security Adviser Clarita Carlos ang kahalagahan nang pagpapatuloy ng momentum ng NTF-ELCAC para tuluyang tapusin ang insurgency.
Ipinabatid ni Carlos na inatasan na niya ang NTF-ELCAC na ayusin na ang road map nito sa implementation plan para lusawin na ang lahat ng guerilla fronts sa taong ito.