Hindi pa nakakapagtala ang Pilipinas ng kaso ng bird flu na nakahawa sa tao.
Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH) kasunod ng import ban ng Department of Agriculture sa mga bansa na tinukoy na may posibleng outbeak ng avian infulenza.
Sa Pilipinas, poultry farm sa walong rehiyon ang may kaso ng bird flu kung saan kabilang dito sa mga nakarekober na ay ang siyam na munisipyo sa Camarines Sur, Davao Del Sur at Bataan.
Samantala, may mga kaso pa rin ng avian infuenza sa farm ng native manok at pato sa Ilocos Sur at North Cotabato.
Sa kabila nito ay wala pa ring taong tinatamaan ng bird flu sa bansa.
Nagpaalala naman ang DOH sa publiko kung paano makakaiwas sa nasabing sakit.