Posibleng bumaba ang presyo ng sibuyas sa pagpasok ng Bagong Taon.
Ito ang inihayag ng Department of Agriculture o DA dahil hihina na ang demand nito.
Sa kasalukuyan, nasa 290 hanggang 300 pesos ang presyo ng kada kilo ng sibuyas sa merkado.
Ipinabatid ni DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez, naniniwala ang ahensya na bababa ang presyo nito dahil nagsimula na ang anihan sa Tarlac at Pangasinan.
Habang sa mga susunod na buwan din ay magsisimula ng mag-ani ang mga magsasaka sa Mindoro.
Dahil dito, umaasa aniya sila na magiging mataas na ang supply nito sa 2023.
Rashid Locsin
Inihayag ng isang grupo na maaaring wala nang paggalaw sa presyo ng mga produkto sa mga supermarket hanggang Bagong Taon.
Ayon kay Philippine Amalgamated Supermarkets Association president Steven Cua na posibleng mangyari ito kung maayos ang suplay ng mga supermarket.
Giit ni Cua na hindi isasantabi na posibleng may ilang supermarket na naubusan ng Noche Buena items at kailangang kumuha sa ibang wholesaler na maaring sa mas mataas na presyo.
Maliban dito, mayroon ding mga promo items o promo deals sa mga supermarket kung saan makakatipid ang mga mamimili.
Una nang nabanggit ng Department of Trade and Industry na binabantayan lamang nila ang mag-o-overcharge na manufacturer sa mga SRP ng mga produkto sa mga pamilihan.
Ipa-prayoridad ng gobyerno ang paglalagay ng malawak na lanes at pedestrians para sa mga siklista sa susunod na anim na taon
Bahagi ito ng Philippine Development Plan (PDP) na inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Ang nasabing anunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) ay kasunod na rin ng ulat ng Move As One Coalition hinggil sa nakaaalarmang bilang ng mga aksidente sa lansangan kung saan ang sangkot ay bikers sa Metro Manila.
Sa inilabas na datos, nasa 26 na siklista ang naitatalang namamatay sa aksidente mula nuong 2017 hanggang nuong nakaraang taon.
Pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay, panatilihin laban sa anthrax—Dr. Solante
Hinimok ng isang eksperto ang publiko na panatilihin ang pagsusuot ng face mask at palaging maghugas ng kamay laban sa anthrax.
Ito’y matapos makitaan ng sintomas ang mahigit 20 katao sa Cagayan ng nasabing bacteria.
Sinabi ni infectious disease expert Dr. Rontgene Solante na posibleng makahawa sa pamamagitan ng direct contact at respiratory droplets.
Ani Solante, maaari itong kumalat sa katawan ng isang indibidwal sa loob ng tatlo hanggang apat na araw.
Maliban dito, posibleng magkaroon din ng pneumonia ang sinumang dadapuan nito.
Aniya, hindi dapat mag-panic ang publiko pero kailangan agad na kumilos para hindi ito kumalat.
Pagtugon sa mga mabibiktima ng paputok ngayong kapaskuhan at sa pagsalubong sa bagong taon, pinaghahandaan na
Naghahanda na ang mga ospital sa mga mabibiktima sa paggamit ng mga paputok ngayong kapaskuhan lalo na sa pagsalubong sa bagong taon.
Ito ay ayon kay Health Officer In Charge Maria Rosario Vergeire kung saan may mga nabiktima pa rin ng paputok kahit pa nitong nakalipas na dalawang taon na may pandemya.
Batay sa datos ng kagawaran, may 122 nabiktima ng paputok nuong pagsalubong ng 2020 habang nitong nakalipas na 2021 nasa 188 naman ang nabiktima .
Samantala, nilinaw naman ng opisyal na sa pangkalahatan ay pababa na ang bilang na mga nabibiktima na mga paputok sa pagsalubong ng bagong taon.
Mahigpit na babantayan ng pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang singil sa pasahe sa mga provincial bus.
Layunin aniya nito na masiguro na walang mangyayaring overcharging sa pasahe.
Inabisuhan naman ng PITX ang mga biyahero na maagang magpa book ng kanilang mga biyahe.
Samantala, patuloy namang nagsasagawa ng random inspection ng mga otoridad sa mga bus at drug testing sa mga konduktor at driver sa PITX.
Bahagyang tumaas muli ang kaso ng COVID-19 kumpara kahapon na nasa 600 lamang.
Sa datos ng Department of Health (DOH,) nasa 823 ang panibagong kaos ng COVID-19 kung saan umakyat ang kabuuang kaso sa 4, 058, 465.
Sa kabila nito, bumaba naman ang aktibong kaso sa 16, 896 matapos makapagtala ng 1,188 na mga gumaling.
Habang mayroong labinglimang na nadagdag naman sa mga nakumpirmang namatay sa COVID-19 kaya pumalo na sa kabuuang 65, 142 ang death toll sa nasabing sakit.
Bumaba ang bilang ng mga insidente ng krimen sa bansa ngayong panahon ng pasko.
Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief Colonel Red Maranan na naitala nila ang 7.58 % na pagbaba sa mga insidente ng malalaking krimen.
Sa kabila nito, may pagtaas aniya sa mga insidente ng maliliit na uri ng krimen o ang pagnanakaw.
Ito ay dahil sa aktibo ngayong panahon ang mga salisi gang, o kawatan sa mga mall, simbahan at iba pang mga matataong lugar.
Pero, sinabi ni maranan na hindi ito dahilan para mabahala dahil aktibo rin naman ang presensiya ngayon ng mga pulis na nakakalat sa iba’t ibang lugar o nasa 85% ng buong pwersa katumbas ng 192,000 personnel.
Samantala, nagbabala rin si maranan sa publiko na magmamaneho nang lasing ngayong panahon ng pasko at bagong taon.
Aniya, katuwang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Office (LTO) mas paiigtingin nila ang panghuhuli sa mga lalabag sa batas.
COMELEC, umapela sa blikong magparehistro ngayong holiday para maiwasan ang mahabang pila
Umapela ang Commission on Elections (COMELEC) sa publiko na magparehistro ngayong holiday season para maiwasan ang mahabang pila.
Sinabi ni COMELEC Spokesperson Rex Laudiangco na mababa pa rin ang bilang ng mga bagong rehistradong botante, hindi lamang sa regular registration kundi maging sa register anywhere project.
Sa kasalukuyan, nasa ilalim ng pilot testing ang rap sa limang malls sa National Capital Region at mga piling lalawigan.
Ani Laudiangco na dapat maagang magparehistro ang publiko upang makaiwas sa abala
Samantala, muling iginiit ni laudiangco na sususpindihin lamang ang voter registration sa araw ng pasko at bagong taon.
Matatandaang, nagsimula ang pagpaparehistro ng mga botante para sa barangay at sk elections nuong a dose ng Disyembre na magtatagal hanggang January 31, 2023.
Nakatakdang bilhin ng bilyonaryong si Mat Ishbia ang National Basketball Association Team na Phoenix Suns at Women’S Team na Phoenix Mercury.
Bibilhin ng Chairman at CEO ng united wholesale mortgage ang mga nasbaing koponan sa halagang apat na bilyong dolyar o katumbas ng P221-B .
Si Ishbia ay isang pambansang kampeon sa koponan ng basketball ng michigan state noong taong 2000 at naipanalo nito ang tatlong sunod-sunod na finals.
Ang koponan ng phoenix suns ay kasalukuyang pagmamay ari ni Robert Sarver na sinuspinde ng national basketball association matapos nitong mainvolved sa isang iskandalo.
Sa kasalukuyan, inaayos na lang ng dalawang panig ang deal para tuluyang mailipat ang ownership nito kay Ishbia.