Nagbabala ang isang obispo laban sa authoritarianism sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani na naging miyembro ng 1986 Constitutional Commission, unti-unting nagkakaroon na authoritarian government ang kasalukuyang pamahalaan dahil sa kagustuhan ng Pangulo na ipagpaliban ang barangay elections at sa halip ay magtalaga na lamang ng mga magiging kapalit nito.
Iginiit ni Bacani na labag sa basics ng “elementary democracy ang pag-appoint sa mga barangay official dahil nakasaad sa batas na ang taumbayan ang pipili at hindi ang Pangulo.
Naniniwala si Bacani na sa huli ay tiyak na magiging diktador si Duterte.
By Meann Tanbio