Itinayo ng Department of Agriculture (DA) ang isang “road bath” o automated disinfection facility para sa mga delivery trucks at mga sasakyang ginagamit sa transportasyon ng mga produktong gawa sa baboy at iba pang hayop.
Ito ay matatagpuan sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR) tollway na pangunahing nagduduktong sa probinsya ng Batangas sa mga karatig nitong lugar.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar ito ay isang hakbang para maiwasan ang pagkalat pa ng African Swine Fever (ASF) sa iba pang parte ng bansa.
Dagdag pa ng kalihim, nais pa nilang magtayo ng mga road bath sa mga umanoy “critical and strategic” areas sa bansa na apektado na ng ASF.
Napagpasyahang sa Batangas itayo ang road bath dahil ang lalawigan aniya ang ikalawa sa top producers ng mga produktong karne sa buong bansa.