Opisyal nang isinara ng Commission on Elections (COMELEC) ang kanilang Automated Election System (AES) Servers at Network Infrastructure ngayong araw.
Kinumpirma ng komisyon na alas-nuwebe kaninang umaga ng patayin ang system dahil naiproklama naman na ang mga kandidato sa nakalipas na 2022 elections.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, inimbitahan nila ang mga political party at mga citizens’ arm groups para masaksihan ang gagawing pag-shutdown sa mga system.
Samantala, binigyang-diin ng COMELEC na hindi nila buburahin ang mga data na nakalagay sa kanilang mga server.